Libreng Kapon

Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pamamagitan ng City Veterinary Office, ay magkakaroon ng Libreng Kapon para sa mga alagang aso at pusa. Ito ay gaganapin sa ika-14 ng Marso 2024, 8:00 AM sa Rosario Covered Court, Brgy. Rosario.

Para makapag-parehistro ng inyong alagang aso at pusa, mangyaring pumunta lamang sa tanggapan ng San Pedro City Veterinary Office sa Basement Level, San Pedro City Hall mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes. Ito ay limitado lamang at FIRST COME, FIRST SERVE.

Paalala: Isang (1) alagang aso o pusa lamang bawat bahay.

Narito ang mga kailangan gawin bago ang operasyon:

Para sa mga Aso:

• Edad na hindi bababa sa anim (6) na buwan hanggang tatlong (3) taong gulang

• Hindi bababa sa isang (1) kilo ang timbang

• Pag-aayuno o fasting ng 8 oras bago ang operasyon

• Dapat ay malusog at hindi sumasailalim sa kahit anong medikasyon

• Mas mainam kung ang alagang aso ay bakunado na

Para sa mga Pusa:

• Edad na hindi bababa sa anim (6) na buwan hanggang dalawang (2) taong gulang

• Hindi bababa sa isang (1) kilo ang timbang

• Pag-aayuno o fasting ng 8 oras bago ang operasyon

• Dapat ay malusog at hindi sumasailalim sa kahit anong medikasyon

• Mas mainam kung ang alagang pusa ay bakunado na

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormarsyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top