KASALANG BAYAN 2025 – “Sa Puso ko’y Una Ka, sa Kasala’y Magiging Isa!”

ANUNSYO | KASALANG BAYAN 2025 – “Sa Puso ko’y Una Ka, sa Kasala’y Magiging Isa!”

Muling magdaraos ng Kasalang Bayan ang Pamahalaang Lungsod sa darating na Buwan ng Pebrero 2025, na limitado para sa tatlumpung (30) pares lamang at First Come, First Served.

Sa mga nais lumahok, maaaring isumite ang mga sumusunod na requirements sa City Civil Registrar’s Office:
• Personal na pagdalo ng mga aplikante;
• PSA Certificate of Live Birth;
• PSA Certificate of No Marriage (CENOMAR);
• Marriage Counseling at Family Planning Seminar Certificate of Attendance;
• Community Tax Certificate (CTC/Cedula);
• Parent’s Advice, kung ang aplikante ay nasa edad 21 hanggang 24;
• Parent’s Consent, kung ang aplikante ay nasa edad 18 hanggang 20;
• 1 valid na government-issued ID; at
• 2 pirasong pinakabagong 2×2 I.D. na larawan (puting background), bawat aplikante.

PAALALA: Para sa mga requirements sa bilang 6 at 7, kinakailangan ang personal na pagdalo ng mga magulang ng ikakasal.

Kung may mga katanungan hinggil dito, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa numerong (02) 8808-2020 local 108 o personal na magsadya sa San Pedro City Civil Registrar’s Office, Laguna na matatagpuan sa Ground Floor ng San Pedro City Hall.

#UnaSaLaguna

Scroll to Top