KADIWA P29/KG RICE PROGRAM

Pabatid sa Publiko mula sa City Agriculture Office – San Pedro, Laguna | Muling magkakaroon ng KADIWA P29/KG RICE FOR ALL PROGRAM sa darating na Agosto 9, 2024 (Biyernes) sa ganap na alas – 8:00 ng umaga sa San Pedro City Hall Lobby.

Ang programang ito ay para sa ating mga kababayan na SENIOR CITIZEN, PWD’s, SOLO PARENTS, at mga benepisyaryo ng 4P’s. Pinapayagan din na bumili ang mga kinatawan ng nasabing sektor.

Dalhin lamang ang inyong ID, Booklet at eksaktong pambayad na P145.00 para sa limang kilo.

Limitado lamang ang supply ng bigas para sa ating lungsod kaya ito ay “FIRST COME, FIRST SERVE” basis.

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

#UnaSaAgrikultura

Scroll to Top