Itinanghal na Grand Champion ang “Sulong San Pedro” ni Louie So at Emil Pama ng Barangay GSIS na binigyang buhay ni Julius Mariano sa katatapos na Tunog San Pedro 2024

PAGBATI👏‼️

Itinanghal na Grand Champion ang “Sulong San Pedro” ni Louie So at Emil Pama ng Barangay GSIS na binigyang buhay ni Julius Mariano sa katatapos na Tunog San Pedro 2024 Sampaguita Festival Music Jingle competition na ginanap sa SM Center San Pedro kahapon, Pebrero 21, 2024 bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng National Arts Month 2024 na may temang “Ani ng Sining Bayang Malikhain”.

Kasamang ipinamalas ang galing sa paglikha’t paglapat ng orihinal na musika ang iba pang apat na finalists sa nasabing patimpalak. Tunay na kayang ipagmalaki ang galing at talento ng San Pedrense!

Maraming salamat sa lahat ng naging kabahagi sa tagumpay ng programang ito; sa pamunuan ng SM Center San Pedro, Kay Konsehal Bernadeth Olivares, sa mga mahuhusay na hurado at higit sa lahat sa aming Punong Lungsod, Kgg. Art Mercado.

Mabuhay ang sining ng paglikha ng musika!

#SanPedroCity

#UnaSaLaguna

#SanPedroTCAO

#NationalArtsMonth2024

#TunogSanPedro2024

#SMSanPedro

Scroll to Top