TINGNAN | Isang magnitude 6.2 na lindol ang yumanig bandang 10:19 AM sa Calatagan, Batangas ayon sa PHIVOLCS. Naramdaman din ito sa buong Lungsod ng San Pedro na may tinatayang lakas na aabot sa Intensity 2-3.
Sa kabila ng pagyanig na ito ay wala namang naiulat na anumang pinsala. Pinapayuhan pa rin ang lahat na patuloy na mag-ingat sa mga posibleng aftershocks.Lungsod ng San Pedro, #UnaSaKaligtasan#SanPedroPAIO#UnaSaLaguna#UnaSaImpormasyon