Isa na namang karangalan ang nakamit ng Lungsod ng San Pedro!

Isa na namang karangalan ang nakamit ng Lungsod ng San Pedro!

Isa ang San Pedro City sa animnapu’t tatlong (63) lungsod sa buong Pilipinas na nakatanggap ng Lunsod Lunsad Award mula sa Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng isang mungkahing proyekto ng ating Business Permits ang Licensing Office (BPLO) na ‘San Pedro Lunsod Lunsad Showcase of Different Creative Industries Retaso-PEACE OF A DREAM’.

Ang proyektong pangkabuhayan na ito ay naglalayong gawing mga bagong damit at gamit ang mga scrap na tela na may layuning mabawasan ang mga basura o patapong tela at isulong ang pag-recycle sa loob ng industriya ng fashion; mabigyan ng pagkakakitaan ang mga indibidwal; at upang mas mapaghusay pa ang mga kasanayan at kakayahan ng mga lokal na artisan at fashion designer.

#SanPedroPAIO
#UnaSaLaguna

Scroll to Top