Inaanyayahan ang lahat ng Solo Parents na dumalo sa PhilHealth Seminar at e-Konsulta Registration

ANUNSYO | Inaanyayahan ang lahat ng Solo Parents na dumalo sa PhilHealth Seminar at e-Konsulta Registration na gaganapin sa 07 February 2025 (Biyernes), 1:00PM sa SM Center San Pedro Activity Center.

Ito ay upang talakayin ang mga benepisyo at serbisyong maaaring i-avail ng mga solo parents.

Dalhin ang mga sumusunod na requirements:

• Photocopy ng ACTIVE Solo Parent ID

• Photocopy ng Solo Parent Birth Certificate

• Photocopy ng Dependent(s) Birth Certificate

• PhilHealth ID (kung meron)

Tandaan: Ang inyong kalusugan at kapakanan ang aming prioridad.

#FederationOfSoloParentsSanPedro

#UnaSaLaguna

Scroll to Top