San Pedro Green Card FAQs

Ang San Pedro Green Card ay isang makabagong multi-functional card na magbibigay ng higit na kaginhawaan at seguridad para sa mga residente ng San Pedro. Bukod sa pagiging isang valid Identification Card, ang Green Card ay nagsisilbi ring mahalagang kasangkapan para sa iba’t ibang transaksyon sa lokal na pamahalaan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng San Pedro Green Card ay gawing mas madali, mabilis, at cashless ang proseso ng pagtanggap ng tulong pinansyal, social benefits, at iba pang serbisyo mula sa pamahalaan. Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ng Maya, ang ating official partner sa San Pedro Green Card.

Narito ang mga dapat pang malaman tungkol sa ating Green Card!

#SanPedroGreenCard

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top