Hello! Wala ka bang time na personal na magsecure ng Certified True Copy ng Birth o Marriage Certificate mo, o ng Death Certificate ng iyong namayapang kaanak?

Hello! Wala ka bang time na personal na magsecure ng Certified True Copy ng Birth o Marriage Certificate mo, o ng Death Certificate ng iyong namayapang kaanak? Maaari kang mag-authorize ng ibang tao na magsecure ng mga dokumentong ito. Heto ang official form na maaari ninyong i-save at punan sa patlang, i-print, at mag-attach lamang ng photocopy ng iyong valid government-issued I.D na may 3 fresh signatures, pati na rin ng iyong awtorisadong representante. Tandaan lamang na upang makapag-secure o makapagbigay ng pahintulot na magsecure ng anumang dokumento, dapat, ikaw mismo ang document-owner ng isang dokumento o ikaw ang pinakamalapit na nabubuhay na kamag-anak ng may-ari ng Death Certificate, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 (R.A. 10173), Expanded Senior Citizen’s Act of 2010 (R.A. 9994) at PSA Memorandum Circular No. 2019-15A. Kung nais mong malaman o makasiguro kung qualified kang kumuha ng isang dokumento o magbigay ng authority na kumuha ng isang dokumento, mag-message lamang dito sa Facebook Page na ito o tumawag sa (02) 8808-2020, local 108 upang mapayuhan po namin kayo kung ano ang mga kailangan upang makapagsecure ng mga dokumentong ito.😃😃😃

PAALALA: Ang ORIGINAL Birth, Marriage o Death Certificate ay isang beses lamang nakukuha – karaniwang sa raw rin ng pagpaparehistro kung hindi ito delayed na ipinarehistro. Kung nakuha mo na ang original copy mo ng isang beses, dalahin lamang ito upang mas mapabilis ang iyong transaksiyon.🥰

Protektado ang dokumento mo!☝️

#UnaSaTalaan
#UnaSaLaguna
#UnaSaDataPrivacy

Click here to Download form

Scroll to Top