HEALTH ADVISORY | Mga sintomas, dahilan, at kailangan gawin kapag na-Heat Stroke

HEALTH ADVISORY | Mga sintomas, dahilan, at kailangan gawin kapag na-Heat Stroke

Ano ang Heat Stroke?

Ito ay ang pinaka matinding sakit na maaaring maranasan ngayong panahon ng tag-init dahil sa dehydration at mataas na temperatura.

SIGNS AND SYMPTOMS:

Ito ay karaniwang nagsisimula sa pagkapagod dahil sa init.

• Mainit at namumulang balat

• Sakit ng ulo

• Mabilis na tibok ng puso

• Pagkahilo

• Pangingisay

• Panghihina

• Kawalan ng malay

• Mataas na lagnat na 41°C

RISK FACTORS/CAUSES

• Dehydration

• Sobrang pagkabilad sa araw

• Mainit at mahalumigmig na panahon

• Pag-eehersisyo sa mainit na panahon

• Pagtatrabaho sa labas

PREVENTION

• Limitahan ang dami ng oras na ginugugol sa labas.

• Uminom ng maraming tubig

• Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, soda, at alkohol.

• Magsuot ng sumbrero at damit na may mahabang manggas kapag lalabas.

• Gawin ang mga heavy-duty activities para sa simula o pagtatapos ng araw, kapag mas malamig ang temperatura.

TREATMENT

Emergency Measures:

• Ilipat ang tao sa isang maaliwas na lugar o sa loob ng bahay at ihiga ng nakataas ang mga paa. Kung makakainom ng tubig, agad na painumin ng malamig na tubig.

• Tanggalin ang damit, punasan ng malamig na tubig ang katawan at itutok ang electric fan.

• Lagyan ng yelo ang kilikili, pulso, bukung-bukong, at singit.

Ang heat stroke ay isang medical emergency! Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital pagkatapos magsagawa ng mga emergency measures.

Ugaliing uminom ng tubig at mag payong kapag lalabas ng bahay. Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat.

Source: Department of Health

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaKalusugan

Scroll to Top