HEALTH ADVISORY | APRIL 6, 2023
Ramdam na ramdam na ang init sa Lungsod ng San Pedro. Narito ang mga maaaring sanhi ng HEAT STROKE at mga paraan upang maiwasan ito.
Mga SANHI ng HEAT STROKE:
1. Mainit at maalinsangang panahon
2. Pag-eehersisyo sa mainit na panahon
3. Dehydration o kakulangan sa tubig
4. Matagal na pagkabilad sa init ng araw
Mga PARAAN upang maiwasan ang HEAT STROKE:
1. Uminom ng maraming tubig araw-araw, kung maaari 8 hanggang 10 baso ng tubig.
2. Limitahan ang oras na ginugugol sa labas.
3. Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, at alak.
4. Magsuot ng sumbrero at preskong damit tuwing lalabas.
5. Isagawa ang mabibigat na gawain sa simula o pagtatapos ng araw, kung kailan mas malamig ang panahon.