Groundbreaking Ceremonies of Sining Residences

“Another fruitful milestone para sa Lungsod ng San Pedro!

Kanina naganap ang MOA signing at groundbreaking ceremonies ng Sining Residences, ang limang 4-storey residential buildings sa Brgy. Bagong Silang. Ito ang simula ng ating pabahay project. Maraming salamat po sa lahat ng naging parte nito, Department of Transportation – Philippines, Philippine National Railways, DHSUD, PCUP, GCR, ADB, SHFC, ang buong City Government of San Pedro at ang ating mga kababayan for making this possible. Hangarin natin ang maayos na pamumuhay sa bawat San Pedrense kaya gagawin natin ang lahat para mabigay ito, kasabay ng iba’t ibang social services na ating pinoprovide para sa lahat.

Marami pa po tayong plano at programa para sa lahat, sana po ay patuloy niyo lang kaming samahan para ang Lungsod ng San Pedro ay maging tunay na #UnaSaLaguna!”

#SanPedroPAIO

Scroll to Top