Ground breaking Ceremony of San Pedro Sports and Arts Center

LOOK | Ground breaking Ceremony of San Pedro Sports and Arts Center located at Purok 6, Barangay Landayan.

“Nais kong i-emphasize na ginagawa natin ang project na ito hindi lang para tuparin ang mga pangako natin noong nakaraang eleksyon, o kaya magkaroon tayo ng malapit na events place bukod sa Pacita Astrodome at Town Plaza. Bagkus, ang project na ito ay mahalaga rin bilang pagsuporta natin sa sports and cultural development ng ating lungsod.”

Ito ang naging talumpati ni City Mayor Art Joseph Francis Mercado sa ginanap na Groundbreaking Ceremony ng bagong San Pedro Sports and Arts Center sa Purok 6, Barangay Landayan, kahapon, Enero 26, 2024.

Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng sariling state-of-the-art multi-purpose facility ang Lungsod ng San Pedro upang pagdausan ng mga iba’t ibang aktibidad tulad ng mga concerts, graduations, sports competition, at iba pa.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#SanPedroSportsAndArtsCenter

Scroll to Top