NASA LARAWAN | Isinagawa kahapon, ika-29 ng Setyembre 2024, ang Grand Medical Mission sa Barangay San Antonio, United San Pedro Subdivision – Covered Court mula 8:00AM hanggang 3:00PM.
Ang nasabing proyekto ay pinangunahan ng San Pedro Chamber of Commerce and Industry, Inc. (SPCCI) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at ang Makabagong Ina at Kababaihan Tungo sa Asenso (MIKA). Kasama rin sa mga naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programa ang iba’t ibang mga sponsor na buong-pusong nakiisa at sumuporta, upang matulungan ang mga residente ng San Pedro. Tinatayang nasa 1,624 na San Pedrense ang dumalo rito.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa mga boluntaryo, mga empleyado ng pamahalaang lungsod, mga sponsor, at sa San Pedro Chamber of Commerce and Industry, Inc., na nagsilbing pangunahing tagapagtaguyod ng programang ito. Ang inyong walang sawang suporta at pagtutulungan ay nagbigay ng malaking benepisyo sa mga San Pedrense.