Good Friday

𝘼𝙣𝙜 𝙋𝙤𝙤𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡
𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙖𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮
𝙨𝙖 𝙆𝙧𝙪𝙨 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙗𝙖𝙮𝙪𝙗𝙖𝙮
𝙥𝙖𝙜𝙩𝙪𝙗𝙤𝙨 𝙖𝙩 𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮
𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣.
– Mula sa 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘬𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘯 (Ignacio Luna and Sons, 1949)

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Sining, at Kultura sa paggunita ng ating mga kapatid na Kristiyano ngayong araw ng Biyernes Santo.

Sa paniniwala ng mga Kristiyano, sa araw na ito ipinako sa krus at namatay si Hesus bilang pagtubos sa kanilang mga kasalanan.

Dalangin ng Pamahalaang Lungsod na mabigyang-inspirasyon ni Hesus ang bawat San Pedrense na ilaan rin ang kanilang mga sarili para sa pagpapanibago at pagpapabuti ng ating bayan.

Abangan dito sa ating Facebook Page ang mga anunsyo, aktibidad, at mga tradisyong ginagawa ng mga San Pedrense ngayong Semana Santa.

#SanPedroTCAO
#GoodFriday
#BiyernesSanto
#MahalNaAraw2024
#SemanaSanta2024
#UnaSaLaguna

Scroll to Top