Gawad San Pedro Academic Excellence Award

TINGNAN | Matagumpay na naidaos ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ang Gawad San Pedro Academic Excellence Award kahapon, Agosto 23, 2023 (Miyerkules) sa San Pedro Astrodome.

Sinimulan ang seremonya ng paggawad sa isang makabuluhang mensahe na ibinahagi ng ating Punong Lungsod, Art Mercado at Konsehala Olivares na nakaantig sa puso ng bawat estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo at propesyonal na rehistrado. Sinundan ito ng paggantipala ng mga sertipiko at ang itinakdang monetary reward. At bilang panapos na pananalita, naghandog din ng mensahe sa kanilang kapwa awardees ang Topnotchers na sina Bb. Ludovice – Top 1 sa Respiratory Therapist licensure examination at Bb. Bautista –Top 4 sa Physical therapist licensure examination, kung saan pinatotohahan nila na ang kahalagahan ng pagbalanse sa buhay, pagpili ng nakakasalamuha, dedikasyon sa ginagawa at pagpapasalamat sa Poong Maykapal ay susi sa tagumpay.

Muli, binabati namin ang lahat ng awardees at nawa’y ipagpatuloy niyo ang nasimulan sa iba’t-ibang larangan ng edukasyon. Ang inyong tagumpay ay karangalan ng buong San Pedrense!

#GawadSanPedro

#SanPedroPAIO

Scroll to Top