Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ng City Population & Development Office at City Health Office katuwang ang DKT International ay magsasagawa ng FAMILY PLANNING CARAVAN: FREE BILATERAL TUBAL LIGATION & NON-SCALPEL VASECTOMY bilang permanenteng pamamaraan ng pagpapaplano ng pamilya.
Para sa mga interesado sa naturang programa, ang sumusunod ay ang petsa at oras ng FP Caravan:
MARSO 12-13, 2025, 8:00AM-4:00PM : FP Caravan: BTL & NSV
Brgy. Pacita 1 Health Center.
Para sa ibang detalye ay makipagugnayan sa pinakamalapit na Barangay Health Center o sa tanggapan ng City Population and Development Office – San Pedro sa OPD-Amante, Brgy. Sto. Nino.
Ang naturang programa ay First Come, First Served basis!
Ang Pamilyang Planado, Panalo!