“Exhibits and Reflections: Crafting Opportunities for the New World”

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kultura, at Sining, sa pagdiriwang ngayong buwan ng Museums and Galleries Month.

Ginugunita ito tuwing buwan ng Oktubre sa bisa ng Presidential Proclamation No. 798 s. 1991 ni Pangulong Corazon Aquino. Layunin nito na payabungin pa ang kultura at sining sa ating bansa, na itinatanghal ng iba’t ibang mga museo, pampubliko man ito o pampribado.

Pinili ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang “Exhibits and Reflections: Crafting Opportunities for the New World” bilang tema sa taong ito. Hangad nito na maipalaganap pa ang pagpapahalaga sa mga museo bilang instrumento ng pagbabago ng ating lipunan patungo sa mas maunlad na bukas.

Abangan dito sa ating Facebook Page at sa social media accounts ng NCCA ang iba’t ibang mga aktibidad na isasagawa para sa pagdiriwang na ito.

#MGM2023
#SanPedroTCAO
#UnaSaTurismo
#UnaSaLaguna

Scroll to Top