Congratulations sa Barangay Pacita 1, Barangay Magsaysay, Barangay Bagong Silang at Barangay Sto. Niño for a job well done! Sila ang mga natatanging barangay na nakatanggap ng Seal of Good Local Governance for Barangay award dahil sa kanilang di matawarang paglilingkod at pagtatrabaho para sa ating mga kababayan. Hindi lamang papuri ang nais kong ipabatid sa inyo kung hindi ay pasasalamat din dahil patuloy tayong nagtutulungan para sa pagiging #UnaSaLaguna ng Lungsod ng San Pedro. Maraming salamat dahil hindi kayo napapagod na gawin ang inyong makakaya upang maisakatuparan natin ang ating mga magagandang plano para sa bayan, pati na din ang pagpapatuloy ng mga magagandang nasimulan na programa sa mga barangay. Kayo po ang aming inspirasyon upang laging magpamalas ng good governance at paglilingkod ng tama. Alam ko, sa susunod na taon ay 27 out of 27 barangays na ang mga makakatanggap ng SGLGB dahil sama-sama at tulong-tulong nating paglilingkuran ang ating mga kababayan.
Sa aming maikli ngunit makabuluhang programa, kasama namin si Provincial Director Engr. John Cerezo, LGOO VII at DILG Laguna Cluster A Head Ma. Lorilyn Manrique, mga pinuno ng departamento, mga empleyado ng pamahalaang lungsod, at mga konseho ng barangay sa lobby ng City Hall.
Kasabay din ng awarding kaninang umaga ay ang turn-over ceremony ng 1 unit ng Garbage Compactor Truck para sa ating Lungsod. Tayo po ay mapalad na magkaroon nito mula sa ating natanggap na CY 2022 SGLG Incentive Fund. Binabalik lang natin sa ating mga kababayan ang serbisyong nararapat para sa bawat isa dahil deserve ng mga San Pedrenses ang good governance, transparency at maayos na paglilingkod mula sa mga local government units.
Muli po, maraming salamat at congratulations sa inyo. Let us all work together for the City of San Pedro. Lungsod ng San Pedro, #UnaSaLaguna!