Congratulations sa ating mga graduates!

“Congratulations sa ating mga graduates! Isang school year nanaman ang natapos. Makakapagpahinga na muna ngayong summer break, yung iba busy na sa pag hahanap kung saan sila mageenrol para sa Senior High at College.

Congratulations din sa ating mga teachers na gumabay sa ating mga estudyante sa nakalipas na taon. Alam kong kababalik lang natin sa face-to-face, pero ginawa niyo po ang lahat para makapagserbisyo with flying colors. Saludo po kami sa inyo!

At higit sa lahat, congratulations din sa ating mga magulang at tumatayong magulang sa ating mga graduates! Dahil sa inyong sakripisyo nagkaroon pang-tuition, pambaon at pamasahe ang inyong mga anak. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi natin mapagtatapos ang ating mga magaaral ngayon. Kaya isang mataas na high-five po sa inyo!

Alam ko na marami na kayong nabasang ilang post at messages tungkol sa gusto kong ibalita sa ating mga graduates. Mga inunahan pa ako 🫣.

Meron pong munting regalo ang ating City Government sa mga elementary, senior high school, at college graduates na residente ng ating Lungsod. Abangan po ang mga requirements at iba pang detalye sa ating San Pedro City Public Affairs and Information Office.

Muli, congratulations po sa ating mga graduates! Gamitin ang natutunan para tulungan ang ating bayan!”

#UnaSaLaguna

Scroll to Top