Cash Incentive Payout para sa mga Senior Citizens sa Lungsod ng San Pedro

ANUNSYO | Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs ay magkakaroon ng huling cash incentive payout para sa mga Senior Citizens sa Lungsod ng San Pedro bukas ika-17 ng Abril 2024 (Miyerkules) 8:00AM-4:00PM sa San Pedro Astrodome. Ito ay para lamang sa hindi pa nakakatanggap ng kanilang cash incentives noong Disyembre 2023.

Mga kailangang dalhin:
• Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

Kung ang claimant na senior citizen ay bedridden, hirap maglakad o may malubhang karamdaman at hindi maaaring personal na mag-claim ng incentive, maaaring mag-authorize ng pinakamalapit na kamag-anak (nearest kin) na kukuha ng kanyang incentive.

Dalhin lamang ang mga sumusunod:
1. Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark
2. Photocopy ng valid ID ng claimant na may tatlong pirma
3. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na nilalagdaan ang kanilang authorization letter
4. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na hawak ang kanilang mga IDs, photocopy ng IDs at authorization letter.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong 8808-2020, local 106.

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top