#BrigadaEskwela2023

Ngayong araw ang pagsisimula ng #BrigadaEskwela2023! Kasabay ng opening salvo ng brigada eskwela, at launching ng Pedrito Linisero ng ating City Environment and Natural Resources Office – San Pedro Laguna, nagkaroon narin tayo ng ceremonial turn-over of uniforms sa ating DepEd San Pedro. Tulad ng naging announcement ko last week, ang lahat po ng batang naka-enrol sa public schools, mula day care hanggang Senior High ay makakatanggap ng 2 sets of uniform. Eto ay para maibsan ang magiging gastusin ng ating mga magulang sa darating na pasukan.

Hindi lang po matatapos sa uniform ang ating gagawin para sa ating mga mag-aaral. Marami pa tayong naka-line up na mga programa kasama ang ating SDS Rogelio Opulencia at DepEd Secretary VP Inday Sara Duterte.

Maraming salamat po sa ating mga teachers sa kanilang walang sawa at walang kapagurang pagmamahal para sa ating mga mag-aaral. Kasama niyo po kami all the way para sa ating mga kabataan!

Muli, maraming salamat po sa ating mga tax payers and city government officials and employees dahil hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung hindi po dahil sa inyong kontribusyon at pagmamahal sa ating bayan at kabataan!

Wala na po tayong sana all. Pero let’s ALL work together para ang ating Lungsod ng San Pedro ang maging #UnaSaLaguna!

#BrigadaEskwela

Scroll to Top