Blood Letting Activity ngayong araw, November 10 sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall

TIGNAN | Blood Letting Activity ngayong araw, November 10 sa Ceremonial Hall, San Pedro City Hall.

Sa lahat ng nais mag-donate, pinapaalalahanan po na siguruhing mayroong sapat na tulog o at least (6) anim na oras bago ang pagdodonate. Hindi din po pinapayagang mag-donate ang mga umiinom ng maintenance medicine o ang mga nag-inom bago ang araw ng blood donation. Hindi rin po pinapayagan na mag-donate ang mga nakapagpa-tattoo na hindi pa umaabot ng (1) isang taon. Maaari po nating anyayahan ang ating mga kapamilya at kaibigan sa ating Blood Letting Activity na gaganapin hanggang alas-3 ng hapon ngayong araw.

Para sa karagdagang tanong, maaaring makipag-ugnayan lang po sa San Pedro City Health Office sa numerong 8808-2020, local 302.

Maraming salamat po!

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top