Blood Letting Activity

ANUNSYO | Ang Philippine Red Cross ay muling magsasagawa ng Blood Letting Activity sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at San Pedro City Health Office sa darating na ika-21 ng Agosto 2024 sa Pavillion Hall, 5th floor at ito ay magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

PAALALA:

• Sa lahat ng nais mag-donate, pinapaalalahanan po na siguruhing mayroong sapat na tulog o at least (6) anim na oras bago ang pagdodonate.

• Hindi po pinapayagan na mag-donate ang mga nakapagpa-tattoo na hindi pa umaabot ng (1) isang taon. Maaari po nating anyayahan ang ating mga kapamilya at kaibigan sa ating Blood Letting Activity.

Para sa karagdagang tanong ukol sa nasabing aktibidad, makipag-ugnayan lang po sa San Pedro City Health Office sa numerong 8808-2020, local 302.

Maraming salamat po!

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top