Blood Letting Activity

ANUNSIYO | Ang Philippine Red Cross ay muling magsasagawa ng Blood Letting Activity sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at City Health Office (CHO) sa Biyernes, ika-17 ng Mayo 2024 sa Session Hall, 3rd floor ng San Pedro City Hall. Ito ay magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

PAALALA:
• Sa lahat ng nais mag-donate, pinapaalalahanan po na siguruhing mayroong sapat na tulog o at least (6) anim na oras bago ang pagdo-donate.
• Hindi pinapayagang mag-donate ang mga umiinom ng maintenance medicine o ang mga uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin bago ang araw ng blood donation.
• Hindi rin pinapayagan na mag-donate ang mga nakapagpa-tattoo na hindi pa umaabot ng (1) isang taon.

Maaari po nating anyayahan ang ating mga kapamilya at kaibigan sa ating Blood Letting Activity.

Para sa karagdagang tanong ukol sa nasabing aktibidad, makipag-ugnayan lang sa San Pedro City Health Office sa numerong 8808-2020 local 302.

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top