Blood Letting Activity

ANUNSIYO | Magsasagawa po ng Blood Letting Activity ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa Martes, Hulyo 11, 2023 sa Ceremonial Hall, 4th floor, San Pedro City Hall. Ito ay magsisimula sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.

Sa lahat ng nais mag-donate, pinapaalalahanan po na siguruhing mayroong sapat na tulog o at least 6 hours bago ang pagdodonate. Hindi din po pinapayagang mag-donate ang mga umiinom ng maintenance medicine o ang mga nag-inom bago ang araw ng blood donation. Maaari po nating anyayahan ang ating mga kapamilya at kaibigan sa ating Blood Letting Activity.

Para sa karagdagang tanong ukol sa ating donation, makipag-ugnayan lang po sa ating CHO-Nutrition Office sa numerong 8808-2020, local 302 o mag-email sa Chonutrition.spl@gmail.com

Maraming salamat po!

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top