Binabati ng ating Tanggapan ang Lolo Uweng Shrine sa pagtatanghal sa kanila ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office…

| PRIDE OF SAN PEDRO |

Binabati ng ating Tanggapan ang Lolo Uweng Shrine sa pagtatanghal sa kanila ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office bilang may Second Highest Number of Same Day Visitors para sa taong 2022! Ito ay bahagi ng pagkilala ng ating Pamahalaang Panlalawigan ng mga Best Tourism Practices sa ating probinsya.

Ginanap ang pagbibigay-gawad ngayong hapon sa Panlalawigang Sentro ng Kultura sa Laguna Provincial Capitol, kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month at ng ika-123 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil.

Tinanggap ang nabanggit na parangal nina Reb. Pdr. Ritchie Fortus ng Diocesan Shrine of the Holy Sepulchre at ni G. Jhe-Rico Sam Colina, ang Nanunungkulang Opisyal ng ating Tanggapan.

#LoveLaguna

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top