TINGNAN | Bilang pagtalima sa Proklamasyon Blg. 728 s. 2024, kasalukuyang naka- half-mast ang Pambansang Watawat at ang Panlungsod na Watawat sa harap ng San Pedro City Hall.
Ibinaba ang nasabing proklamasyon bilang pagluluksa sa mga naging biktima ng Bagyong Kristine noong nakaraang buwan.
Kabilang ang Lungsod ng San Pedro sa mga lubhang naapektuhan ng #BagyongKristine, kung saan idineklara ng Sangguniang Panlungsod ang pagsasailalim sa San Pedro sa State of Calamity.
Basahin ang kumpletong nilalaman ng Proklamasyon Blg. 728 s. 2024 dito: https://tinyurl.com/ydv7sf98