“Babae ka lang.”
Aminin man natin o hindi, madalas ito naririnig sa kalalakihan. Minsan pa, maging ang kababaihan ay nagsasabi ng ganitong diskriminasyon sa kapwa nilang babae.
Pero ang sagot ko, “Babae ka, hindi babae lang.”
It’s high time na baguhin at itama ang turing sa kanila dahil we’re all equal especially in the eyes of God. Noon pa man, pangarap ko na ang isang lungsod kung saan pantay-pantay ang tingin ng bawat mamamayan sa isa’t isa, lalaki man o babae.
Bilang International Women’s Day, let’s make it happen: simulan na manaig ang pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, pagmamalasakit at pagrespeto sa kababaihan dahil lahat tayo ay tao; may damdamin, may boses at kakayahang patutunayan.
Para sa lahat ng kababaihan, una po kayo sa puso ng Lungsod ng San Pedro! Mahal po namin kayo!