august 2023 LONG WEEKEND

ANUNSYO | Idineklara ng Malacañang ang Agosto 21, 2023 (Lunes) o Ninoy Aquino Day bilang isang espesyal na non-working Holiday upang gunitain ang buhay ng dating Senador Ninoy Aquino Jr. Gayundin ang Agosto 28, 2023 (Lunes) kung saan idineklara bilang isang regular na pista opisyal upang gunitain ang kadakilaan ng ating mga Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Ito ay nangangahulugan na ang ang Agosto 19-21, 2023 (sabado hanggang Lunes) at Agosto 26-28, 2023 (Sabado hanggang Lunes) ay tinaguriang mas mahabang katapusan ng linggo para sa mamamayang Pilipino, kasabay ng pagbibigay-daan sa pagpapalakas ng domestic leisure at turismo sa Pilipinas.

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top