ANUNSYO | Nais ipabatid ng San Pedro City Veterinary Office na sarado na ang pagpaparehistro para sa programang Libreng Kapon 

ANUNSYO | Nais ipabatid ng San Pedro City Veterinary Office na sarado na ang pagpaparehistro para sa programang Libreng Kapon sa mga alagang aso at pusa sa kadahilanang puno na ang mga slot. Ito ay gaganapin sa ika-14 ng Marso 2024, 8:00 AM sa Rosario Covered Court, Brgy. Rosario.

Narito ang mga kailangan gawin bago ang operasyon:

Para sa mga Aso:
• Edad na hindi bababa sa 8 buwan hanggang tatlong (3) taong gulang
• Hindi bababa sa anim (6) na kilong timbang
• Pag-aayuno o fasting ng 8 oras bago ang operasyon
• Dapat ay malusog at hindi sumasailalim sa kahit anong medikasyon
• Mas mainam kung ang alagang aso ay bakunado na

Para sa mga Pusa:
• Edad na hindi bababa sa 8 buwan hanggang dalawang (2) taong gulang
• Hindi bababa sa isa (1) hanggang dalawang (2) kilong timbang
• Pag-aayuno o fasting ng 8 oras bago ang operasyon
• Dapat ay malusog at hindi sumasailalim sa kahit anong medikasyon
• Mas mainam kung ang alagang pusa ay bakunado na

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top