Anunsyo | Nais ipabatid ng San Pedro City BPLO sa lahat na ang programang Let’s Grow Sari-sari Store Convention na gaganapin sa darating na Oktubre 29 at 30, araw ng Martes at Miyerkules ay kanselado sa kadahilanang ang lugar na pagdarausan ay kasalukuyang tinutuluyan ng mga inilikas na residente.
Hinihingi ang inyong pang-unawa hinggil sa bagay na ito.
Antabayanan na lamang ang mga susunod na abiso.