Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nais magparehistro at magkaroon ng National ID, magsasagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Laguna ng LGU-Based National ID Registration sa lobby ng San Pedro City Hall tuwing Lunes at Martes, mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon, simula ngayong araw, Mayo 19, 2025.
Inaanyayahan ang mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagpatala at makakuha ng naturang dokumento.