ANUNSYO | Magkakaroon ng Libreng Serbisyong Pangkalusugan at pamamahagi ng mga Libreng Gamot ang Mercury Drug Foundation, Inc., sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro.

a mga nais magpakonsulta, magsadya lamang sa Pacita Convention Center, Brgy. Pacita 1 sa darating na ika-1 ng Marso 2025 (Sabado) sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Ito ay para sa lahat ng residente ng San Pedro City. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Center/Station upang makakuha ng stub.

#UnaSaKalusugan
#UnaSaLaguna

Scroll to Top