ANUNSYO | Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs ay magkakaroon ng cash incentive payout para sa mga Senior Citizens sa Lungsod ng San Pedro

ANUNSYO | Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs ay magkakaroon ng cash incentive payout para sa mga Senior Citizens sa Lungsod ng San Pedro ngayong darating na Enero 16, 2024 (Martes), 8:00AM-5:00PM.

Mga lugar ng payout para sa mga Senior Citizen ng bawat barangay:

UBL Covered Court, Brgy. UBL – Barangay United Better Living at Estrella

SBP Covered Court, Brgy. United Bayanihan – Barangay United Bayanihan at Bagong Silang

Mga kailangang dalhin:

• Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

Kung ang claimant na senior citizen ay bedridden, hirap maglakad o may malubhang karamdaman at hindi maaaring personal na mag-claim ng incentive, maaaring mag-authorize ng pinakamalapit na kamag-anak (nearest kin) na kukuha ng kanyang incentive.

Dalhin lamang ang mga sumusunod:

1. Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark

2. Photocopy ng valid ID ng claimant na may tatlong pirma

3. OFFICIAL AUTHORIZATION LETTER (mula sa OSCA o sa CASCASPI) na may lagda o thumbmark ng senior citizen na siya ay nagbibigay pahintulot na kuhain ang kanyang cash incentive

4. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na nilalagdaan ang kanilang authorization letter

5. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na hawak ang kanilang mga IDs, photocopy ng IDs at authorization letter.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong 8808-2020, local 106.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top