ANNOUNCEMENT | Requirements sa pagkuha ng Health Certificate (Card) para sa nagtatrabaho sa Lungsod ng San Pedro

ANNOUNCEMENT | Requirements sa pagkuha ng Health Certificate (Card) para sa nagtatrabaho sa Lungsod ng San Pedro

Saan maaring mag-proseso? Maaring mag-proseso ng pagkuha ng Health Certificate (Card) sa tanggapan ng San Pedro City Health Office – Environmental Health and Sanitation Service, Atrium or 2nd Floor, San Pedro City Hall, Poblacion. Bukas mula Lunes hanggang Biyernes (8AM-5PM).

Ano ang mga dadalhin at babayaran? Dalhin ang ORIHINAL AND KOPYA (XEROX) ng laboratory test ng mga sumusunod:

1. FECALYSIS AND URINALYSIS RESULT – Ang laboratory test results ay dapat sa current year at ang petsa ng test result ay sa loob ng tatlong (3) buwan.

2. X-RAY RESULT – Ang laboratory test results ay dapat sa current year at ang petsa ng test result ay sa loob ng labindalawang (12) buwan. Para sa buntis, Hepa B laboratory test result ang ipasa sa halip na X-Ray results, ang test na ito ay dapat sa current year at ang petsa ng test result ay sa loob ng labindalawang (12) buwan.

3. ₱ 150.00 ang bayad sa bawat isang Health Certificate (Card). Ang expiry ng Health Certificate (Card) ay tuwing huling araw ng taon. Ang renewal o bagong applikasyon ay dapat piniproseso tuwing simula ng taon o kapag nagsimulang magtrabaho ang empleyado.

Saan maaaring mag pa-Laboratory test? Sa Department of Health (DOH) accredited Laboratories o San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital (SPJLAEH) sa Barangay Sto. Niño.

Sino ang dapat kumuha ng Health Certificate (Card) at ano ang mga uri nito?

1. Non-Food Health Certificate (Card) – para sa bago at dating empleyado ng Funeral Services, Barbershop, Salon, Gym, Junk Shops, Funeral Parlors, Spa/Massage, Manufacturing (Non-Food), Pest Control at iba pang katulad na establishimento na mandato ng P.D. 856.

2. Food Health Certificate (Card) – para sa bago at dating empleyado ng Water Refilling Stations, Establishments/factory handling, Manufacturing (Food), processing and serving of cooked food, raw food ingredients and food supply at iba pang katulad na establishimento na mandato ng P.D. 856.

Gabay mula sa City Government of San Pedro, Laguna, Philippines

Para sa mga katanungan maaaring makipag-ugnayan sa San Pedro City Health Office – Environmental Health and Sanitation Service o sa numerong (02)8808-2020 Local 207

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top