ANNOUNCEMENT | Narito po ang schedule per barangay ng pagkuha ng cash incentives ng ating mga kababayang PWD sa City Treasurer’s Office, Ground Floor, San Pedro City Hall, mula December 20-22, 2023.
December 20, 2023 (Wednesday)
ESTRELLA
LANGGAM
NARRA
RIVERSIDE
UNITED BAYANIHAN
UNITED BETTER LIVING
BAGONG SILANG
MAGSAYSAY
December 21, 2023 (Thursday)
CALENDOLA
SAMPAGUITA
GSIS
MAHARLIKA
FATIMA
CHRYSANTHEMUM
SAN LORENZO
PACITA 1
PACITA 2
December 22, 2023 (Friday)
SAN VICENTE
SAN ANTONIO
STO. NIÑO
POBLACION
NUEVA
LANDAYAN
SAN ROQUE
ROSARIO
CUYAB
NOTE: Ang cash incentive ay ipagkakaloob lamang sa mga nag-apply ng PWD ID at nakarehistro sa DOH online registry hanggang November 15, 2023.
MGA ALITUNTUNIN SA PAGKUHA NG PWD CASH INCENTIVE
1. Dapat ay kasalukuyang naninirahan sa San Pedro ang PWD;
2. Dalhin at ipakita ang valid PWD ID;
3. Ipa-xerox ang PWD ID (harap at likod) sa isang papel, kalakip ang tatlong (3) lagda kagaya ng nakalagay sa PWD ID;
4. Kung magulang ng PWD na bata ang kukuha:
– Magdala ng xerox copy ng Birth Certificate ng anak na PWD;
– Magdala ng valid ID ng magulang;
– Ipa-xerox ang valid ID ng magulang at valid PWD ID ng anak kalakip ang (3) lagda ng magulang.
5. Kung asawa, kapatid, kamag-anak o “guardian” na hindi kadugo ng PWD ang kukuha:
– Magdala ng AUTHORIZATION LETTER na may lagda o thumbmark ng PWD na siya ay pinahihintulutang kuhain ang cash incentive;
– Ipa-xerox ang valid ID ng PWD (harap at likod) na may tatlong lagda o thumbmark;
– Ipa-xerox ang valid ID (harap at likod) ng authorized representative kalakip ang tatlong (3) lagda nito; at
– Magdala ng larawan na magkasama ang authorized representative at PWD na hawak ang kanilang mga IDs at authorization letter.
Dalhin lamang ang mga nasabing requirements sa pag-claim ng cash incentives sa City Treasurer’s Office. Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, makipag-ugnayan sa PDAO, 8808-2020 loc 122.