ang buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang bilang Buwan ng Pananaliksik sa Patakarang Pangkaunlaran.

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 247 ng Malacañang, serye ng 2002, ang buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang bilang Buwan ng Pananaliksik sa Patakarang Pangkaunlaran. Binibigyang-diin ng buwang ito ang mahalagang tungkulin ng pananaliksik sa pagbuo ng mga pambansang plano, programa, at patakaran para sa kaunlaran.

Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ay nakikiisa sa DPRM na may temang “Pagtiyak ng Kinabukasan sa Lahat sa Pamamagitan ng Pagtatatag ng Malakas na Middle Class”. Binibgyang pansin ng pagdiriwang ngayong taon ang mga pagkakataon at hamon sa pagpapalawak ng panggitnang uri ng mga Pilipino sa harap ng mga pandaigdigang pagbabago. Magtutuon ito sa mga estratehiya para sa paglikha ng yaman at mga pagkakataon, na layuning gawing mas matatag na tagapagtaguyod ng kaunlarang panlipunan ang panggitnang uri.

#DPRM2024
#SanPedroPAIO
#UnaSaLaguna

Scroll to Top