“Ang bilis ng panahon. Naka-isang taon na pala tayo sa opisina.” – Mayor Art Joseph Mercado

Ang bilis ng panahon. Naka-isang taon na pala tayo sa opisina.

Malayo pa ang ating tatahakin, pero malayo na rin ang ating narating. Marami pa tayong kailangan gawin, marami pa tayong hindi natutupad sa mga pangako, pero unti-unti nating aabutin at tutuparin ang lahat ng iyon. Nakapag-simula na tayo. Nanguna na rin tayo sa ibang mga hakbangin, kaya tuloy-tuloy lang tayo.

Para po sa lahat ng sumuporta at nag-dasal para sa atin, sana’y huwag po kayong tumigil at patuloy po nating baguhin ang nakasanayan.

Hindi mabilis ang pagbabago. Mahabang proseso ito pero hindi tayo titigil.

Sa ating SOCA, atin pong ire-report ang ating mga nagawa, ginagawa, at gagawin pa sa mga susunod na taon.

Ngayong araw, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na,

Maraming salamat po. Kayo ang dahilan kung bakit ako laging excited at masayang pumasok sa trabaho. Dahil sa inyo, patuloy akong maglilingkod ng tapat at buong puso. San Pedro, sama-sama nating abutin ang maging #UnaSaLaguna

Maligayang ika-1 na taon sa paglilingkod sa Lungsod ng San Pedro, Mayor Art Mercado!

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

Scroll to Top