ADVISORY | ROAD CLOSURE

ADVISORY | ROAD CLOSURE

Upang magbigay daan sa engrandeng selebrasyon ng Sampaguita Festival 2024, narito ang ilan sa mga daan na pansamantalang ipasasara sa paligid ng San Pedro City Plaza mula April 30, 2024 sa ganap na alas-5:00 ng umaga hanggang May 6, 2024 ng ala-1:00 ng madaling araw:

*Full Closure
-Mabini Street (mula sa kanto ng San Pedro Apostol Parish hanggang Maciang’s):

May 1, 2024 (simula 5:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at muling isasara mula 3:00 ng hapon hanggang 12:00 ng hating gabi)

May 3, 4 at 5 ( simula 3:00 ng hapon hanggang 12:00 ng hating gabi)

-Luna Street (mula sa kanto ng Luzon Development Bank hanggang sa San Pedro Central Elementary School):

May 1-5, 2024

*Half Closure/Half Lane
-Rizal Street (mula sa McDonalds hanggang sa Alfamart):

May 1-5, 2024

Inaasahan ang kooperasyon ng bawat isa sa pagdiriwang na ito.

Tara, sama-sama sa saya’t pagkakaisa ng #SampaguitaFestival2024

#SampaguitaFestival2024
#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top