Mga Kaganapan ngayong umaga sa unang araw ng #SampaguitaFestival2024

TINGNAN | Mga Kaganapan ngayong umaga sa unang araw ng #SampaguitaFestival2024

Nakilahok ang mga mamamayan ng San Pedro sa taunang selebrasyon ng Sampaguita Festival. Inumpisahan ito ng isang Color Fun Run kung saan sumama sa pagtakbo sina Mayor Art Mercado at Mrs. Mika Mercado mula sa Robinsons Galleria South patungong San Pedro City Plaza. Kasunod nito ay inilunsad ang Tourism Campaign na #EverythingSanPedro kung saan ipinapamalas ang kultura, tradisyon at karanasan sa San Pedro. Gayundin naman patuloy pa rin ang mga aktibidad sa Sampaguita Festival Ground tulad ng:

-San Pedro Weekend Market

-Barangay Trade Fair

-Sampaguita Product Fair and Exhibit

Abangan din ngayong hapon ang:

-Sampaguita Garland Competition

-Sampaguita Festival Grand Float Parade

-Street Dance Grand Showdown Competition

Tara, sama-sama sa saya’t pagkakaisa. Sampaguita, ang Puso ng Pagkakaisa!

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

#UnaSaImpormasyon

Scroll to Top