Ngayong panahon ng El Niño, kung saan tayo nakararanas ng matinding init, importante na mas pangalagaan ang ating kalusugan at manatiling hydrated. Narito ang ilang mga paalala mula sa Department of Health upang makaiwas sa dehydration.
1. Palaging uminom ng tubig hindi lang tuwing nauuhaw (8-10 na baso araw-araw)
2. Magdala ng water bottle kahit saan magpunta
3. Magsuot ng presko at komportableng damit
4. Kumain ng mga prutas at gulay na mataas ang water content tulad ng pakwan, pipino, at orange
5. Limitahan ang pag-inom ng alak, mainit na kape o tsaa
6. Maligo upang maibsan ang init na pakiramdam ng katawan
Mga Palatandaan:
• Panunuyo ng mga labi, bibig, at balat
• Pananakit ng ulo
• Pagkauhaw
• Mabilis na pagtibok ng puso at paghinga
• Madilaw ng ihi
• Panghihina
Ang lahat ay mag-ingat!