Weekly KALINISAN Clean-Up Drive Program ng DILG

“Maagang-maaga tayo kasama si Sec. Atty. Benhur Abalos at ating mga city government employees, PNP, BJMP, DILG, national government agencies at iba pang mga NGOs sa Brgy. Pacita 1 para sa Weekly KALINISAN Clean-Up Drive Program ng DILG. Ngayong araw ng Sabado, dinaos sa atin ang ika-11th Clean-Up Drive na umiikot sa buong Pilipinas.

Nalaman ni Sec. Abalos na ginagawa na nating weekly clean-up drive activities dito sa ating bayan kaya naman natuwa siya rito. Napagusapan namin na mas ka-kailanganin nating maging extra committed para panatilihing malinis ang ating syudad, dahil narin sa climate change na ating nararanasan.Kaya I encourage everyone na panatilihing malinis ang ating mga bakuran at tapat ng bahay para masiguro na malinis ang ating komunidad.

Ang clean-up drive na ito ay isang simbolo ng mas marami pang clean and green initiatives ng ating pamahalaan. Gawin natin na ang San Pedro ay #UnaSaKalinisan, #UnaSaLaguna!”

Para sa mga clean & green program proposals, maaari po kayong mag-email sa ating City Government of San Pedro email, information@cityofsanpedrolaguna.gov.ph

Scroll to Top