Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang katapatan ng isang tao.

“Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang katapatan ng isang tao.

Maswerte ako na makasama si Maam Cristy kanina. Kahapon kasi habang marami akong inaasikasong mga papeles sa aking opisina, pinuntahan ako ng staff ko para ikwento ang ginawang katapatan ni Cristy. Binalik kasi niya ang cellphone ni Mark Medina. Si Kuya Mark ay galing sa ating opisina upang magrequest ng assistance netong nakaraan para sa kanyang pamilya. Ngunit pagkatapos ng araw na yon, nawala naman ang kanyang cellphone. At alam niyo na ang mga sumunod.

Pero ang pinaka-kumurot sa aking puso ay yung nalaman namin na mismong si Cristy ay nangangailangan din para sa kanyang asawa. Hindi sapat ang kahit anong reward para tumbasan ang katapatan mo, Maam Cristy. Pero naniniwala ako na si Lord na mismo ang magbibigay ng pinakamalaking reward sa ‘yo.

Bago matapos ang February, may humabol pang isang form of love for neighbor. Maraming salamat Maam Cristy. You inspire me to work harder and be better in serving the people. Mabuhay po kayo!”

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top