Ani ng Sining

Bilang pagdiriwang ng National Arts Month sa Lungsod ng San Pedro, magkakaroon ng isang exhibit na pinamagtang “Ani ng Sining” mula 19-22 Pebrero 2024 sa SM Center San Pedro Activity Center. Magtatanghal ng kanilang mga likhang-sining ang mga piling mag-aaral ng Rosario Complex Elementary School, ang ilang mga kasapi ng San Pedro Art Association (SPARTA), at si Bb. Joy Machado.

Sa pagbubukas ng exhibit sa Lunes, 19 Pebrero 2024 ay magkakaroon rin ng isang forum na magtatampok kina Mx. Ryan Tan (Curator, NHCP Presidential Car Museum) at G. Rodolfo “Jun” Sabayton.

Inaanyayahan ang publiko na makilahok sa nasabing aktibidad.

Kita kits!

#SanPedroTCAO

#AniNgSining

#BayangMalikhain

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top