Sinimulan ng Grupo Kalinangan at ng tanggapan ng San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office ang Survey Proper ng San Pedro Cultural Mapping Project

Kasalukuyang nag-iikot ngayong linggo sa Barangay Poblacion, Nueva, at San Vicente ang [San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office] at ang Grupo Kalinangan para sa San Pedro City Cultural Mapping Project 2024.

Gagawin rin ito sa iba pang mga barangay sa San Pedro hanggang sa pagtatapos ng proyekto ngayong Abril 2024.

Ang magiging resulta nito ay inaasahang isusumite ng ating tanggapan sa National Commission for Culture and the Arts para maging bahagi ng Philippine Registry of Cultural Property (PRECUP).

#SanPedroTCAO

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top