Palit Gatas 2024

Isang makakalikasang araw po sa ating lahat!

Inaanyayahan po namin ang lahat na magdala ng mga plastic residuals sa atin pong Palit Gatas Booth sa SM Center San Pedro tuwing unang Biyernes ng buwan mula 9:00AM hanggang 3:00PM.

Exchange Rate:

5kg plastic residuals = 1 pouch of 150g AFPMD

Dito rin po matatagpuan ang Trash to Cash Booth ng SM Center at ang Pera sa Basura, Salamin sa Mata Booth ng ating lungsod katuwang ang Deped Tayo SDO City of San Pedro kung saan maaari po kayong magdala ng inyo pong mga recyclable wastes.

Inaanyayahan po ang lahat na makilahok bilang pakikiisa sa atin pong patuloy na pangangalaga sa atin pong kalikasan.

Para po sa mga HOAs/Sitios/Subdivisions na nais magpa-schedule ng palit-gatas sa inyong lugar, maaari po kayong tumawag sa CENRO Office, sa mga numerong 8808-2020 local 208/209.

📌Cenro San Pedro

#SanPedroPAIO

#UnaSaKalinisan

#UnaSaLaguna

Scroll to Top