Cash incentive payout para sa mga Senior Citizens ng Brgy. Pacita 1

ANUNSYO | Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs ay sisimulan nang ipamahagi ang cash incentive payout para sa mga Senior Citizens ng Brgy. Pacita 1 sa darating na Enero 22-23, 2024 (Lunes hanggang Martes) mula 8:30AM-4:30PM sa San Pedro Astrodome.

Iskedyul ng payout na pa-alpabeto, una ang apelyido:

• Enero 22, 2024 (Lunes)

Apelyido na nag-uumpisa sa [A hanggang L]

Enero 23, 2024 (Martes)

Apelyido na nag-uumpisa sa [M hanggang Z]

Mga kailangang dalhin:

• Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

Kung ang claimant na senior citizen ay bedridden, hirap maglakad o may malubhang karamdaman at hindi maaaring personal na mag-claim ng incentive, maaaring mag-authorize ng pinakamalapit na kamag-anak (nearest kin) na kukuha ng kanyang incentive.

Dalhin lamang ang mga sumusunod:

1. Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark

2. Photocopy ng valid ID ng claimant na may tatlong pirma

3. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na nilalagdaan ang kanilang authorization letter

4. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na hawak ang kanilang mga IDs, photocopy ng IDs at authorization letter.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa

City Treasurer’s Office (CTO) sa numerong (02) 8808-2020, local 110 / 111

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top