TINGNAN | Kahapon, ika-11 ng Enero 2024, ay ang ikalawang matagumpay na araw ng cash incentive payout para sa mga Senior Citizen ng Brgy. San Antonio

TINGNAN | Kahapon, ika-11 ng Enero 2024, ay ang ikalawang matagumpay na araw ng cash incentive payout para sa mga Senior Citizen ng Brgy. San Antonio na may apelyidong nagsisimula sa I hanggang Z. Naitatalang 3,200 na Senior Citizens ang nakatanggap sa cash incentive payout na ginanap sa USPS Covered Court, Brgy. San Antonio. Patuloy pa rin ang pamamahagi ngayong araw para sa mga hindi nakapunta sa nauna at pangalawang araw.

Paaalala: Ayon sa Office of the Senior Citizens Affairs, ang Cash Incentives na ito ay para sa lahat ng rehistradong Senior Citizen (hanggang December 2023) sa Lungsod ng San Pedro, may kinabibilangan man na SC Organization/Federation o wala ay maaaring pumunta. Mayroong verification desk sa naturang venue para makita ang kanilang mga pangalan. Kung wala pa sa database, mayroong staff na maglilista sa kanila para makuha ang pangalan at contact details para sa susunod na payout.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong 8808-2020, local 106.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top