Matagumpay na naidaos ang unang araw ng cash incentive payout para sa mga Senior Citizen ng Brgy. San Antonio

TINGNAN | Matagumpay na naidaos ang unang araw ng cash incentive payout para sa mga Senior Citizen ng Brgy. San Antonio na may apelyido na nagsisimula sa A hanggang H, kanina, ika-10 ng Enero 2024 at ginanap sa USPS Covered Court, Brgy. San Antonio.

Pinapaalalahanan muli ang lahat na bukas, ika-11 ng Enero 2024, ay ang payout ng mga may apelyidong nagsisimula sa I hanggang Z.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong 8808-2020, local 106.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top